News
Paglaban Ng Bansa Sa Kontrakwalisasyon Matagumpay — DOLE
November 17, 2017IPINAGMALAKI ng Department of Labor and Employment (DOLE) na napagtagumpayan ng bansa ang laban sa kontrakwalisasyon sa mga manggagawa.
Sa isinagawang Philippine Association of Legitimate Service Contractors’ o PALSCON 7th National Forum, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mas maraming Pilipino ang naging regular sa kanilang mga trabaho. Paliwanag pa ng kalihim, hindi pa man nangangalahati ang DOLE sa target nito ay umabot na sa mahigit 120,000 manggagawa ang nakinabang sa pagkakaroon ng stable na trabaho.
Nagpasalamat rin si Bello sa PALSCON dahil sa kooperasyon nito at umaasang lalaki pa ang bilang ng mga regular employees kapag dahil sa Department Order no. 174 Series of 2017.
Kung saan sa ilalim nito, mahigpit na ipagbabawal ang paulit-ulit na pagre-renew ng kontrata ng mga empleyado matapos ang mas mababa pa sa anim na buwang pagtatrabaho. Tiniyak naman ng PALSCON ang commitment nito sa pagpo-protekta sa kapakanan at karapatan ng mga manggagawa. (Ulat ni Mike Almonte).