News
Labor Contractors, Nangangamba Sa Kawalan Ng Trabaho Sa Bansa
November 04, 2016MANILA – Nagbabala ang mga labor contractor na posibleng maraming manggagawa ang mawawalan ng trabaho kapag tuluyang aalisin ng gobyerno ang kontraktuwalisasyon.Ayon kay Philippine Association of Legitimate Service Contractors (PALSCON) President Rhoda Caliwara, maaring bawasan ng mga kumpanya ang pagtatanggap ng mga nag-aaplay ng trabaho dahil sa kakailanganing gawing regular ang mga ito.Dagdag pa ni Caliwara, maaring maapektuhan ang competitiveness ng Pilipinas lalo na sa industirya ng manufacturing at retail.Posible rin aniyang magsi-alisan ang mga kumpanya at lumipat sa mga mas maluluwag na bansang miyembro ng ASEAN.Nilinaw ng palscon, magkaiba ang end-of contract (ENDO) o 555 sa lehitimong pangongontrata ng mga manggagawa.Aminado si Labor Secretary Silvestre Bello III, mahirap na tuluyang tanggalin ang lahat ng uri ng kontraktuwalisasyon lalo’t may ilan ang pinapayagan ng batas.Panukala ngayon ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP), imbes na gumawa ng bagong polisiya, ipatupad na lamang ang mga kasalukuyang mga batas at habulin ang mga umaabuso.